Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot na sa 54,736 ang Filipino workers na napauwi ng pamahalaan sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa DFA, 30,645 dito ay sea-based habang 24,091 ang land-based.
Bukod pa sa bilang na ito, ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi nang sarili nila at hindi na nagpatulong sa gobyerno.
Kinumpirma rin ng DFA na mula February 2020, 6,752 Pinoy workers na naka-base sa Saudi Arabia ang napauwi ng pamahalaan.
Patuloy rin ang pagproseso ng mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa para sa repatriation ng iba pang stranded OFWS.
Facebook Comments