Bilang ng repatriated OFWs dahil sa pandemya, umabot na sa 600,000 – DOLE

Sumampa na sa 600,000 ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na ni-repatriate dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of Labor and Employment – Information and Publication Service (DOLE-IPS) Director Rolly Francia, nasa 603,204 na ang napauwing OFWs sa bansa.

Aniya, patuloy pa itong tataas dahil sa epekto ng pandemya sa iba’t ibang panig ng mundo.


“Matindi pa rin po ang pagdating ng ating mga kababayang OFWs na apektado ng COVID-19 sa iba’t ibang sulok ng daigdig,” sabi ni Francia.

Ang mga repatriated OFWs ay nakauwi na sa kanilang mga probinsya ay kinukumpleto ang kanilang quarantine requirement.

Ang quarantine hotel, food, at transportation ng mga returning OFWs ay sagot ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Facebook Comments