Tuesday, January 27, 2026

Bilang ng rockfall events na naitatala ng PHIVOLCS sa Bulkang Mayon, nasa mahigit 200

Patuloy pa rin na nakakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mahigit 200 rock fall events sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon na nakataas pa rin sa Alert Level 3.

Batay sa huling monitoring ng PHIVOLCS, umabot sa 272 na pagguho ng bato ang naganap sa loob lamang ng 24 oras.

Bukod pa rito, 44 na pyroclastic density current o uson din ang naitala ng ahensya.

Samantala, nasa 1221 na tonelada ng sulfur dioxide o asupre naman ang ibinuga ng Mayon Volcano.

Dahil dito, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone habang pinag-iingat naman ang mga publiko kung papasok man sa extended danger zone.

Bawal pa rin ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa nagpapatuloy na aktibidad nito.

Facebook Comments