
Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 235 rockfall event o pagguho ng bato sa nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa loob ng 24 oras.
Habang 48 na pyroclastic density current o uson din ang nairekord ng ahensya.
Samantala, patuloy rin ang pagbuga ng lava dome at lava flow ng bulkan habang umabot sa 4970 tons na sulfur dioxide o asupre ang ibinuga nito.
Nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 kilometer radius permanent danger zone at walang pagiingat na pagpasok naman sa extended danger zone.
Pinapaalalahan din ng ahensya na bawal din ang pagpapalipad ng mga panghimpapawid na sasakyan sa ibabaw ng bulkan.
Facebook Comments










