Umakyat sa 20.2% o 8.43 million ang bilang ng self-employed at voluntary members na nagparehistro sa Social Security System (SSS).
Sa nasabing bilang, 3.36 million dito ay self-employed habang 5.07 million ang voluntary members.
Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio, dumoble ang nagpa-miyembro ngayong taon bunsod ng pagkilala ng mga indibidwal sa kahalagahan ng SSS coverage partikular na ang mga benepisyo at pribilehiyo tulad ng pension lalo na ngayong may kinakaharap na pandemya.
Facebook Comments