Ito ay batay sa datos ng ahensya mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.
Ayon kay Mylene Attaban,ang Social Worker IV ng DSWD Region 2, sa kabila aniya ng mataas na bilang ng mga benepisyaryo ng programa ay marami namang reklamo ang kanilang natatanggap hinggil sa ilang usapin patungkol sa pensyon.
Paliwanag pa nito, ilan sa mga reklamo ang pagkakasama sa listahan ng mga senior citizen na sinasabing hindi sila kabilang sa kahit anong pensyon na natatanggap hanggang sa nagkaroon ng validation ang ahensya at napag-alaman na ang iba ay tumanggap pala ng pension.
Kaagad rin aniya na natanggal sa listahan ang mga ito upang mabigyan ng pagkakataon ang ilang mga senior citizen na mapasama sa listahan ng mga mabibigyan ng social pension.
Kaugnay nito, mahigpit na paalala ng ahensya na ang mga karapat-dapat na benepisyaryo ng social pension ay ang mga indigent senior citizen na walang tinatanggap na anumang pension o walang suporta mula sa pamilya.
Mananatili aniya ang kanilang validation upang masiguro na ang mga eligible senior citizen ang mapapabilang sa programa.