Iminungkahi ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred delos Santos na limitahan ang bilang ng SIM card na maaaring irehistro ng isang indibidwal.
Katwiran ni Delos Santos, ang isang indibidwal na magrerehistro ng multiple o maraming SIM cards ay posibleng mga spammer o scammer.
Pinayuhan din ni Delos Santos ang telecommunication firms na alisin na sa kanilang listahan at database ang mga SIM na hindi na aktibo o hindi na gumagana.
Sa kabilang banda ay sinabi ni Delos Santos na dapat ding pag-ingatan ng telcos ang mga SIM na sobrang namang aktibo dahil maaring ginagamit ito sa pagpapadala ng spam and scam messages.
Samantala, hiniling naman ni delos Santos na magdagdag ang telcos ng customer service representatives na mag-aasikaso sa subscribers na dadagsa sa branches nila upang magpatulong magrehistro.