Manila, Philippines – Inaasahang hindi na magdadagdagan pa ang bilang ng mga sugatan sa nangyaring lindol nitong Huwebes sa Eastern Visayas.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council ( NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, wala na silang inaasahan pang karagdagan bilang ng mga sugatan partikular na sa lugar ng Kananga, Leyte.
Sa initial assessment ng NDRRMC, nasa 200 katao na ang bilang ng sugatan sa nangyaring lindol habang dalawa pa lamang ang kumpirmadong patay base sa talaan ng regional office ng siyudad.
Dagdag pa ni Marasigan, wala ring naitalang mga pamilya na nasa evacuation centers dahil agad namang umuwi ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang NDRRMC sa Department of Energy (DOE) at National Grip Corporation of the Philippines (NGCP) para maibalik na ang supply ng kuryente sa mga apektadong lugar na tinamaan ng lindol.
Samantala, balik normal ang Ormoc Airport matapos makumpleto ng Department of Transportation (DOTr)at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang inspeksyon sa paliparan, kabilang ang runway at terminal building nito kasunod ng magnitude 6.5 na lindol .
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Bilang ng sugatan sa magnitude 6.5 na lindol sa Leyte, hindi na inaasahang madaragdagan pa
Facebook Comments