Bilang ng Swedish firms na gustong mamuhunan sa bansa, maari pang madagdagan – Swedish Foreign Trade Minister Johan Forssell

Kasalukuyan ng mayroong 40, Swedish companies sa Pilipinas ang patuloy na namumuhunan na sa bansa, ngunit mas marami pa ang nagpakita ng interest na mamuhunan din dito.

Matatandaan na ito ang inihayag ni Swedish Foreign Trade Minister Johan Forssell, sa kaniyang pagbisita dito sa Pilipinas, kasama na ang ilang Swedish investors.

Ayon kay Forsell, ang Pilipinas ay nasa strategic location sa Southeast Asia at isa rin ito sa mga bansa na may mabilisang paggalaw ng ekonomiya at may mataas na Gross Domestic Product na sa ngayon ay umaabot na sa 6.5%


Matatandaang nitong nakalipas na taon ay una nang ipinanukala ng Swedish Ambassador sa Pilipinas ang posibilidad na paglinang o pag-improve sa EDSA Busway project ng pamahalaan.

Facebook Comments