Pumalo na sa 118 ang bilang ng tauhan ng Manila Police District (MPD) na tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay MPD Director Police Brig. Gen. Leo Francisco, pinakamaraming naitalang aktibong kaso ng kanilang tauhan ay mula sa Station 12 o Delpan kung saan 12 pulis ang nahawaan ng virus.
Sampung pulis naman mula sa MPD Station 1 o sa Tondo habang siyam sa Station 9 o sa Malate,
Kasalukuyang tinututukan at minomonitor ang kanilang kalagayan habang sila ay nasa quarantine facilities hanggang sa tuluyan silang makarekober.
Patuloy ang paalala ni Francisco sa kaniyang mga tauhan na magdoble ingat upang hindi mahawaan ng virus.
Sa kabila nito, nakahanda at sapat pa rin ang tauhan ng MPD para sa pagbabantay upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa buong lungsod ng Maynila lalo na ngayong isinailalim ito sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19.