
Bumaba ang bilang ng text scams sa bansa noong nakaraang taon ayon sa Cybercrime Coordinating Center (CICC).
Kung saan 6.1 milyong kaso noong 2024 ay bumaba ito sa mahigit 822,000 na kaso.
Bukod sa text scams, bumaba rin ang mga naitalang scam phone calls noong nakaraang taon mula sa higit 600,000 ay nasa 400,000 na lang.
Ayon sa ahensya na naging malaki ang tulong ng 1326 scam hotlines at ang 38% na pagbaba ng cybercrime sa pagtatapos ng 2025.
Samantala, kasalukuyang mino-monitor ng CICC ang 100 na social media influencers na sangkot sa pagpo-promote ng iligal na online gambling.
Kung saan sa halip na parusa ay gumagamit ang ahensya ng tinatawag na ‘soft power’ upang hikayatin ang mga influencers na labanan ang illegal digital activities.
Mahigpit rin na binabantayan ng gobyerno sa Artificial Intelligence (AI) ng X ni Elon Musk matapos ang pansamantalang pagbabawal nito, para matiyak na masusunod ang pangakong self-regulation laban sa mga kumakalat na pekeng deepfakes.










