Bilang ng Tinamaan at Gumaling ng COVID-19 sa Isabela, Nadagdagan

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng dalawampu’t siyam (29) na bilang ng bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, nakapagtala ang probinsya ng Isabela ng 29 new COVID-19 cases kung saan pito (7) sa Santiago City; anim (6) sa City of Ilagan; apat (4) sa Reina Mercedes; apat (4) sa Cauayan City; tig-dalawa (2) sa bayan ng Cordon at Ramon; at tig-isa (1) sa bayan ng Cabagan, Delfin Albano, Cabatuan at Gamu.

Nakarekober naman sa nasabing sakit ang 41 na COVID-19 Patients sa Lalawigan.


Sa kasalukuyan, bumaba sa 481 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya ng Isabela.

Mula sa 481 na bilang ng active cases, labing isa (11) ang Returning Overseas Filipino (ROFs); dalawampu (20) ang Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APOR); apatnapu’t apat (44) na Healthworker; tatlo (3) na pulis; at pinakamarami ang Local transmission na aabot sa 403.

Facebook Comments