*Cauayan City, Isabela- *Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 15, 2021, siyamnapu’t isa (91) na panibagong kaso ang naitala habang siyam (9) ang bagong nakarekober.
Mula sa bagong kaso, pinakamarami ang naitala sa Santiago City na may 49 new cases; labing anim (16) sa bayan ng Roxas; tig-tatatlo (3) sa Gamu at Alicia; tig-dadalawa (2) sa Cauayan City, Angadanan, Quezon at tig-iisa (1) sa mga bayan ng Cordon, Echague, Jones, Luna, Naguilian, Aurora, Mallig, Reina Mercedes, Quirino, Ramon, San Manuel, San Mariano, San Pablo, at Sta. Maria.
Sa kasalukuyan, tumaas sa 724 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Umaabot naman sa 6,096 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela kung saan 5,183 rito ang gumaling at 119 ang namatay.
Sa bilang ng aktibong kaso, 650 rito ay Local Transmission; 101 na Health Workers; dalawampu’t apat (24) na Locally Stranded Individuals (LSIs); labing walo (18) na kasapi ng PNP; at isang (1) Returning Overseas Filipino (ROFs).