Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 14,669 na

Lumobo pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong nang 14,669 COVID-19 cases sa bansa matapos madagdagan ng 350 panibagong kaso.

Sa nasabing bilang,10,371 ang aktibong kaso.


Labintatlo (13) naman ang nasawi dahilan para umakyat ang death cases sa 886.

Umabot naman sa 3,412 ang gumaling mula sa sakit matapos makapagtala ng 89 new recoveries.

Samantala, 18 pinoy sa abroad ang nagpositibo sa virus ngayong araw dahilan para sumampa sa 2,635 ang kabuuang bilang nito.

16 ang gumaling na umabot na sa 905 habang nananatili sa 328 ang bilang ng mga namatay.

Facebook Comments