Cauayan City, Isabela- Malaki ang ibinaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Kasunod na rin ito ng pagbaba ng bilang ng mga naitatalang positibong kaso sa bawat bayan sa lalawigan.
As of October 27, 2020, nasa labing pito (17) lamang ang naitala sa loob ng isang araw na nagdadala sa 272 na kabuuang bilang ng aktibong kaso sa probinsya kumpara sa 331 sa mga nagdaang araw.
Ang mga panibagong kaso ay naitala sa lungsod ng Ilagan na may apat (4) na kaso, dalawa (2) sa Lungsod ng Cauayan, isa (1) sa Santiago City, tatlo (3) sa bayan ng Luna, dalawa (2) sa Naguilian, at tig-isa (1) sa mga bayan ng San Mariano, Benito Soliven, Cabagan, Aurora, at Angadanan.
Sa 272 na active cases, apat (4) ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), 30 ang mga Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), 17 health Workers, 12 na Pulis, at 209 na maituturing na Local and Community Transmission.
Nagpapatuloy naman ang contact tracing ng mga kinauukulan sa mga nakasalamuha ng mga bagong nagpositibo.