Bilang ng tumatakbong tren ng MRT-3, iniakyat na sa dalawampu

Umakyat na ngayon sa dalawampu o 20 ang bilang ng tumatakbong bagon ng Metro Rail Transit o MRT-3.

Dahil dito, mas mapapabilis na ang paghihintay ng mga pasahero sa pagsakay ng tren.

Nadagdagan na kasi ng dalawa ang bagong overhauled na Light Rail Vehicles (LRVs) o bagon sa mainline.


Nauna rito, nakapag-deploy ang pamunuan ng MRT-3 ng labing walong newly-overhauled LRVs noong nakalipas na Mayo 2021.

Pandagdag ito sa operational na train sets kabilang ang 21 CKD train sets at 1 Dalian train set.

Ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng linya ng maintenance provider nito na sumitomo-MHI-TESP.

Facebook Comments