Nakapagtala ng 29% na pagbaba sa naitalang kaso ng Violence Against Women and Children ang Women and Children Protection Desk ng Police Regional Office 1 simula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.
Sa naturang petsa, 868 na kaso ang naitala ngayong taon mula sa 1,227 na kasong naitala sa parehong petsa noong 2024.
Ayon sa awtoridad, nanguna sa listahan ng uri ng pang-aabuso ang Rape bukod pa sa karahasan, child-abuse at acts of lasciviousness na kadalasan umano ay nasa pagitan ng edad 12 hanggang 18 ang nagiging biktima.
Tinukoy naman ang pag-usad sa pagkakaroon na ng lakas ng loob na I-report ang mga VAWC cases kasabay ng mga kampanya at self-defense activities na isinasagawa sa mga komunidad at paaralan ang malaking dahilan ng pagbaba ng kaso ngayong taon.
Ayon naman sa Department of Justice Ilocos Region, 10 kaso na ang inihain sa mga responsable ang pinatawan ng kaso sa parehong petsa.
Bukod sa mga interbensyon na isinasagawa ng mga awtoridad at ahensya, hinihikayat pa rin ang suporta sa mga biktima upang makausad matapos ang naranasang pang-aabuso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









