Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 27.6 percent o 13.5 milyon ang unemployed nitong Hunyo 2021 na mas mataas mula sa 25.8 percent o 12.2 milyon na naitala noong May 2021.
Batay rin sa SWS, kabilang sa tinatawag na ‘labor force’ ang mga may edad 18 pataas na may trabaho at naghahanap ng trabaho.
Maituturing ding ‘jobless’ ang mga boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, first-time job seekers, at mga nawalang ng trabago dahil sa economic circumstances.
Umabot ang kawalan ng trabaho sa ‘catastrophic level’ na 45.5 percent noong Hulyo 2020 at bumaba sa 39.5 percent noong September 2020.
Nasa 27.3 percent naman ito noong November 2020 at 25.8 percent noong May 2021 at muling tumaas sa 27.6 percent noong Hunyo 2021.
Isinagawa ang survey sa 1,200 adults sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa buong bansa mula Hunyo 23 hanggang 26, 2021.