Tapos na ang bilangan ng mga boto sa ilang lugar na pinagdausan ng plebesito para sa Bangsamoro Organic Law.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez – tatlong lugar na lang hinihintay nila na hindi pa tapos ang bilangan.
Sa Cotabato City, 81 percent na ng mga boto ang nabilang; 50 percent sa Maguindanao at halos 45 percent sa Tawi-Tawi.
Habang isandaang porsiyento nang tapos ang bilangan sa Isabela City, Basilan; Sulu at Lanao del Sur.
Samantala, batay sa unofficial tally sa Basilan, lamang ang mga bumoto ng “no” para maisama ang Isabela City sa bubuuing Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nasa 22,382 ang bumoto ng “no” habang 19,112 naman ang bumoto ng “Yes”.
Facebook Comments