Antipolo – Sumuko na ang bilanggong nakatakas mula sa Antipolo City Jail matapos na masunog ito kagabi.
Ayon kay PNP Region 4A Spokesperson Supt. Chitadel Gaoiran, sumuko ang bilanggong si Zymin Dig kasama ang kanyang pamilya kaninang alas 10:20 ng umaga.
Si Dig ay may kasong robbery at paglabag sa Presidential Decree number 9.
Sa ngayon nasa Bureau of Jail Management and Penology na ang sumukong bilanggo kasama ang iba pang bilanggo mula sa nasunog na bilangguan.
24 naman sa mga bilanggo ang naospital matapos masunog ang Antipolo City Jail habang isa nasawi na kinilalang si Organo Cesar 84 anyos na may kasong rape.
Alas-8:00 ng gabi kagabi ng sumiklab ang sunog na ngayon ang patuloy na iniimbestigahan kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Facebook Comments