Bilanggo, nagtangkang magsuicide gamit ang stand ng mosquito killer

Binalbagan, Negros Occidental – Nagtangkang magpakamatay ang isang bilanggo ng Binalbagan PNP sa pamamagitan ng paglaslas ng kanyang pulso at leeg gamit ang stand ng mosquito killer o katol.

Ang biktima ay isang 21 anyos na lalaki, residente ng Sitio Kaingin, Brgy. Enclaro, Binalbagan at may kasong violation ng Republic Act 7610 o Child Abuse.

Ayon sa Binalbagan PNP, ang naturang inmate ay nagtamo ng sugat sa kanyang kamay at leeg at nasa mabuti ng kalagayan.


Sa ngayon medyo nahihirapan pa ang mga pulis na malaman ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng inmate dahil hindi ito sumasagot sa interogasyon ng pulis.

Facebook Comments