Bilanggo – nahulog sa rooftop ng Bacolod District Jail, patay

Bacolod City – Hindi na naisalba at namatay ang isang bilanggo matapos itong nahulog mula sa pangalawang palapag ng Bacolod City District Jail pasado ala una kahapon ng hapon sa Brgy. Handumanan.

Nakilala ang biktima na si Candem Ventura, 38 yrs. old residente ng Barangay 35, Bacolod City, may kasong parricide at attempted murder.

Ayon sa Officer-in-Charge ng Bacolod District Jail na si S/insp. Norberto Miciano, ang biktima ay nagmamadaling makuha ang sinampay dahil umuulan ng aksidente itong mahulog mula sa ikalawang palapag ng bilangguan.


Nagtamo ng fatal na sugat sa ulo ang biktima na siyang naging sanhi ng kamatayan nito.

Facebook Comments