Bilanggo namatay sa bugbog sa Bacolod City , jail warden sinibak sa puwesto

Bacolod, Philippines – Sinibak ni JS/Supt. Alberto Balauag Negros Island BJMP Regional Director si Metro Bacolod District Jail Jcinsp Larry Fuentes, ito’y kasunod sa nangyaring kaguluhan sa loob ng Jail dahil sa mga reklamo ng mga bilanggo at pagkamatay ng isang bilanggo.
Ayun kay Balauag ni-relieve niya si JC/Insp Fuentes pending investigation para hindi maka impluwensya sa ginagawang imbestigasyon.
Nag-umpisa ang kaguluhan matapus nagsagawa ng Oplan Galugad sa loob ng Jail Facility at paglipat sang 38 bilanggo sa Negros Occidental Jail sa Bago City.
Kinilala naman ang namatay na bilanggo na si Nolan Baldomar 34 anyos at kinikilalang prison mayor na nagtamo nga mga pasa sa kanyang katawan.

Facebook Comments