Bilanggo, patay sa bugbog sa Bacolod City; jail warden, sinibak sa puwesto

Manila, Philippines – Sinibak ni Js. Supt. Alberto Balauag, Negros Island BJMP Regional Director, si Metro Bacolod District Jail Jc. Insp. Larry Fuentes ito ay kasunod sa nangyaring kaguluhan sa loob ng kulungan dahil sa mga reklamo ng mga bilanggo at pagkamatay ng isang bilanggo.

Ayon kay Balauag, ni-relieve niya si Jc. Insp. Fuentes, pending investigation para hindi maka-impluwensya sa ginagawang imbestigasyon.

Nag-umpisa ang kaguluhan matapos nagsagawa ng Oplan Galugad sa loob ng jail facility at paglipat sang 38 bilanggo sa Negros Occidental Jail sa Bago City.


Kinilala naman ang namatay na bilanggo na si Nolan Baldomar, 34 anyos, at kinikilalang prison mayor na nagtamo nga mga pasa sa kanyang katawan.

Facebook Comments