Bilanggo, Uminom ng Muriatic Acid Matapos Hindi Hatiran ng Baon!

*Cauayan City, Isabela-* Nagtangkang magpakamatay ang isang bilanggo matapos hindi hatiran ng baon ng kanyang misis sa lock-up cell ng PNP Bambang, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang inmate na si Jake Santos, 21-anyos at residente ng Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP Bambang, tinawagan umano ni Santos ang kanyang misis kung bakit hindi siya hinatiran ng kanyang panghapunan at tanging sagot lamang umano ng kanyang misis ay “Paki-alam ko ngay Kanyam”.


Napahiya umano si Santos sa sagot ng kanyang misis kaya’t nagtangka na itong magpakamatay dakong 9:15 kagabi sa pamamagitan ng pag-inom nito ng Muriatic acid sa loob ng CR ng naturang selda ng himpilan ng pulisya.

Masuwerte namang naidala agad sa pagamutan si Santos at nalapatan ng lunas na ngayon ay nasa pangangalaga muli ng pulisya.

Si Santos ay may kinakaharap na kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Illegal Possession of Firearms.

Facebook Comments