Manila, Philippines – Naniniwala si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na maidedeklara ang bilateral ceasefire sa pagitan ng gobyerno at ng rebeldeng komunista kapag nagtagumpay ang backchannel talks.
Ayon kay Sison, ang ceasefire ay mangyayari kung ang mga probisyon sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) ay maaprubahan ng magkabilang panig.
Patuloy aniyang isinasagawa ang backchannel talks na magtatapos hanggang June 9 habang posibleng magkaroon ng stand-down agreement simula sa June 28.
Una nang sinabi ni Sison na handa itong umuwi ng Pilipinas kung magiging progresibo ang mga peace negotiations.
Facebook Comments