Bilateral cooperation ng Pilipinas at Vietnam kontra COVID-19, tiniyak ni Pangulong Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bilateral cooperation ng Vietnam at Pilipinas kontra COVID-19.

Ito ay sa pamamagitan ng Asssociation of Southeast Asian Nations (ASEAN) para makontrol ang pagkalat ng nasabing virus at mapabilis ang economic recovery sa ilalim ng new normal.

Itinuturing ni Pangulong Duterte bilang mahalagang kaibigan at kapit-bahay ang nasabing bansa ng tanggapin nito ang credentials ng bagong umupong ambassador na si Hoang Huy Chung.


Umaasa naman ang Pangulo sa suporta ng Vietnam sa adbokasiya ng bansa sa Rule of Law, mapayapang resolusyon ng mga gusot at pagpapanatili sa global commons, partikular na sa maritime space ng rehiyon na malaya at bukas.

Facebook Comments