Bilateral Defense guidelines, binalangkas na ng defense secretary ng Pilipinas at Amerika

Bumalangkas na ng bilateral defense guidelines sina Defense Department Officer-In-Charge Carlito Galvez at US Defense Secretary Lloyd Austin.

Ito ay para gawing moderno ang alyansa at kooperasyon ng dalawang bansa para sa free at open Indo-Pacific Region.

Batay sa fact sheet mula sa US Department of Defense, nakapaloob sa guidelines na gagamitin ang mutual defense commitment sa ilalim ng 1951 PH-US Mutual Defense Treaty sakaling mayroong armed attack sa Pacific Region.


Kabilang na rito ang banta sa land, sea, air, space, at cyberspace attack.

Matatandaang inihayag ng Amerika na ipagtatanggol ang Pilipinas sakaling may ginawang pag-atake sa South China Sea.

Facebook Comments