Manila, Philippines – Nilagdaan sa Tsina ang ilang kasunduan na nagkakahalaga ng 9.8 bilyon dolyar para sa Pilipinas na inaasahang makalilikha ng 10,800 trabaho.
Sa bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping, nangako silang magtutulungan laban sa terosimo, droga at krimen.
Nagkasundo rin ang dalawang lider na palakasin ang komunikasyon para maiwasan ang mga hindi kanais nais na insidente sa West Philippine Sea at dapat rin anilang magkaroon ng joint off shore development doon.
Tiniyak rin ni Xi na pupunta ito ng Pilipinas sa Nobyembre.
Ilan pa sa mga kasunduang pipirmahan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay ang:
– Agreement on economic & technical cooperation
– Technical cooperation project for the agricultural technology center of the Philippines;
– Preferential buyer credit loan agreement for the Chico river pump irrigation project
– Pre-feasibility study of the proposed Davao City expressway project
– Providing a batch of broadcasting equipment to the presidential communications operations office of the Philippines; at
– Memorandum of understanding para sa pagkuha ng China na mga Filipino teacher na magtuturo ng ingles