BILATERAL MEETING | Apat na MOU, inaasahang malalagdaan sa pagbisita ng Pangulo sa South Korea

Manila, Philippines – Apat na kasunduan ang inaasahang malalagdaan sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea sa darating na linggo hanggang sa Martes.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, ang mga Memorandum of Understanding (MOU) na ito ay naka focus sa aspeto ng transportasyon, trade and industry, science at loan agreement.

Ayon pa kay Abella, bukod sa MOU, summit at bilateral meeting, layon rin ng pagbisitang ito na mapagtibay pa ang relasyon ng dalawang bansa.


Nakatakda ring humarap ang Pangulo sa Filipino community sa South Korea.

Ang pagbisitang ito ng Pangulo ay nag-ugat noong East Asia Summit na ginanap sa Maynila noong November 2017, kung saan personal na inimbitahan ni South Korea President Moon Jae-in. si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments