BILATERAL MEETING | Biyahe ng Pangulo sa South Korea, naging produktibo

Dinoble ng South Korea ang Official Development Assistance (ODA) nito sa Pilipinas, ito ang sinabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez, sa briefing na ginanap sa South Korea para sa ikatlong araw ng pangulo doon.

Ayon kay Dominguez, mula sa 500 US dollars na ODA nito ay iniakyat ito sa 1 billion US dollars, hanggang sa taong 2022.

Ilan aniya sa mga mapo-pondohan nito ay ang Dumaguete Airport, National Irrigation Facility, programa para sa monitoring ng tax payments ng mga retailers at sa suporta sa Build Build Build Projects ng Administrasyong Duterte.


172.6 million US dollars naman ang ilalaan para sa Cebu Container Port, na babayaran ng bansa sa loob ng 40 taon.

Ayon kay Dominguez, galante ang South Korea dahil binigyan pa nito ang Pilipinas ng sampung taong grace period sa pagbabayad ng naturang loan.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Dominguez sa 6.6 million US dollar grant ng South Korea para sa pagpapaigting ng kapabilidad ng Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments