Manila, Philippines – Sisimulan na bukas (May 19) sa Guiyang, China ang unang sesyon ng Bilateral Consultative Mechanism (BCM) sa pagitan ng Pilipinas at China para sa mapayapang pagresolba ng isyu sa West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana – kabilang sa agenda ng consultative meeting ay ang pagsuri sa kasalukuyang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.
Gayundin ang mga paraan kung papaano reresolbahin ang mga isyu at ang pagpapakita ng terms of reference.
Aminado si Sta. Romana – na malayo pa tayo sa usapin ng pagtanggap ng China sa desisyon ng United Nations Arbitral Tribunal na pumanig sa Pilipinas at ibinasura ang inaangking 9 dash line ng China sa WPS.
Gayunman – ang BCM ay magandang simula para sa ayusin ang gusot sa isyu.
Makakaharap naman ng delegado ng Pilipinas sa pangunguna ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang kanilang counterpart mula sa Chinese Foreign Ministry.
DZXL558