Bilateral meeting nina PBBM at French President Emmanuel Macron, sumentro sa usapin ng agrikultura, enerhiya at defense

Inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanilang naging meeting ni French President Emmanuel Macron bilang isang napakaproduktibong pagpupulong.

Ayon kay Pangulong Marcos, kanilang napag-usapan ni Macron ang ilang regional issues na nagdudulot ng impact sa ekonomiya at ilang mga agam-agam sa hinaharap.

Sumentro rin aniya ang kanilang bilateral meeting ng French leader sa tatlong pangunahing isyu.


Ito ay may kinalaman sa agriculture, energy, at depensa.

Ayon kay Marcos, kaniyang binuksan ang usapin sa agrikultura upang makita sa kung paano makakakuha ang Pilipinas ng tulong mula sa ibang bansa para dito.

Idinagdag pa ng pangulo na kaniya ring tinalakay ang isyu sa energy sa lider Ng France lalo na’t leading proponent ito sa nuclear energy na kung saan, maaaring umasa ang bansa rito sa pamamagitan ng partnership.

Facebook Comments