BILATERAL MEETING | Pangulong Duterte, biyaheng Singapore para dumalo sa 32nd ASEAN Summit

Manila, Philippines – Magtutungo sa Singapore si Pangulong Rodrigo Duterte sa April 26 hanggang 28 para dumalo sa 32nd ASEAN Summit.

Ito ay kasunod ng imbitasyon ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, chairman ng ASEAN ngayong taon.

Ayon kay Assistant Secretary Maria Helen Dela Vega ng DFA Office of the ASEAN Affairs, isusulong ng Pangulo ang mga usaping tulad ng kapakanan ng mga mamamayan ng rehiyon.


Aniya, inaayos na rin ang bilateral meeting sa pagitan ni Duterte at Loong habang dalawa pang lider ang humiling na makaharap ang Pangulo.

Maliban rito, haharap rin aniya si Duterte sa Filipino community doon.

Ilan sa inaasahang tatalakayin sa ASEAN leaders ang pag-resolba sa terorismo, violent extremism, trafficking in persons, iligal na droga at kooperasyon sa disaster management.

Facebook Comments