BILATERAL MEETING | Pangulong Duterte, nasa Singapore na para sa 32nd ASEAN Summit

Singapore – Nasa singapore na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa dalawang araw na 32nd ASEAN Summit.

Sa kanyang departure speech, kumpiyansa si Duterte na lalakas pa ang ugnayan ng Pilipinas at Singapore lalo na sa paglaban sa terorismo at pagpapalakas ng cyber security.

Nakasentro sa regional trade and security ang taunang pulong.


Makakausap din ng Pangulo si Indonesian President Joko Widodo para hilingin naman ang pagpapalaya sa mga Pilipinong mangingisda.

Bukod sa Indonesia ay may bilateral meeting din ang Pangulo sa lider ng Vietnam at kay Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong na siya ring kasalukuyang chairman ng 2018 ASEAN Summit.

Facebook Comments