BILATERAL MEETING | Pangulong Duterte, pasalubong ang halos limang bilyong dolyar na halaga ng trade and investment matapos ang official visit sa South Korea

Manila, Philippines – Nag-uwi si Pangulong Rodrigo Duterte ng aabot sa 4.8 billion dollars na halaga ng trade at investment matapos ang tatlong araw na pagbisita nito sa South Korea.

Bukod pa ito sa 1 billion dollar official development assistance na pangako ng SoKor sa Pilipinas.

Sa kanyang arrival speech, ibinida ng Pangulo ang mas matatag na relasyon ng Pilipinas at South Korea.


Nagpasalamat rin ang Pangulo sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng Filipino community sa South Korea.

Facebook Comments