Mangyayari na ngayong alas-5:30 ng hapon oras sa Thailand ang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) at Chinese President Xi Jin Ping.
Kinumpirma ito ng Office of the Press Secretary (OPS) officer-in-charge (OIC) Cheloy Garafil na sidelines sa kanyang partisipasyon sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM).
Magiging top agenda ng dalawang lider ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Kinumpirma rin ni House Speaker Romualdez sa na bukod sa usapin sa WPS, maaring talakayin din ang One China Policy, soberenya at invesment.
Mahalaga ayon sa House speaker na mapag-usapan ang mga ito dahil para ito sa kapakanan ng mga Pilipino.
Si House Speaker Martin Romualdez ay makakasama ng pangulo sa bilateral meeting kay Chinese President Xi, kasama rin sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfred Pascual.