Bilateral relations ng Pilipinas at China, mananatiling matatag

Tiniyak ng isang ranking Chinese Embassy official na ang kasong isinampa nina dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) ay hindi makakaapekto sa bilateral relations sa pagitan ng Manila at Beijing.

Ayon kay Chinese embassy charge d’ affaires Tan Qinsheng – ang hakbang ng dalawang dating Philippine officials ay hindi nagre-representa sa kabuoang pananaw ng gobyerno ng Pilipinas at ng mamamayan nito.

Dagdag pa ni Tan – ang China ay hindi miyembro ng ICC, habang ang Pilipinas ay umalis na sa pagiging miyembro nito sa Hague-based criminal court.


Sa isyu ng West Philippines Sea, tiniyak ng China na committed sila sa pagsusulong ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Facebook Comments