Bilateral talks kay US President Joe Biden, unang aktibidad ni PBBM sa kanyang official visit sa Washington DC

Itinakda ngayong araw May 1 pasado alas-2 ng hapon oras sa Washington DC, USA o May 2 alas dos nang madaling araw dyan sa Pilipinas ang bilateral talks nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at United States President Joe Biden.

Ito ang unang aktbidad ng pangulo mula nang dumating ito kahapon dito sa Washington DC.

Susundan ito ng expanded meeting kasama ang mga key cabinet official.


Una nang sinabi Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malaking tulong sa Pilipinas ang pakikipag-bilateral talks kay US President Biden dahil mapag-uusapan dito ang mga napapanahong concern ng Pilipinas.

Ang United States ay major bilateral trade at official development assistance partner ng Pilipinas.

Facebook Comments