
Magaganap na ngayong araw, July 22, ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump sa White House.
Alas-11 nang umaga dito sa Washington DC, USA magaganap ang pulong habang alas-11 naman mamayang gabi sa Pilipinas.
Inaasahang tatalakayin nina Pangulong Marcos Jr. at President Trump ang mga usaping pang-ekonomiya, depensa, at regional at international issues.
Gagamitin din ng pangulo ang pagkakataong ito para isulong ang posisyon ng Pilipinas sa usapin ng 20% reciprocal tariff rates ng US sa bansa.
Si Pangulong Marcos ang kauna-unahang ASEAN leader na naimbitahan sa US, sa ilalim ng ikalawang termino ng Trump administration.
Samantala, naging makabuluhan naman ang unang araw ng state visit ng pangulo dito sa Amerika.
Nakapulong niya si U.S. Secretary of State Marco Rubio at US Secretary of Defense Pete Hegseth kung saan pinagtibay ang ugnayang panseguridad at depensa ng dalawang bansa, lalo na sa usapin ng kapayapaan at kalayaan sa Indo-Pacific region.









