
Kinumpirma ng Malacañang na nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Amerika para sa isang bilateral meeting kasama si US President Donald Trump.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, na nakatakda ang pagbisita ng pangulo sa July 20 hanggang 22.
Gayunpaman, hindi na nagbigay ng detalye ang Palasyo kung ano ang magiging agenda ng dalawang lider.
Ipinauubaya na ni Castro sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang paglalatag ng detalye.
Inaasahang ito ang magiging unang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Marcos kay Trump mula nang maupo ang itong pangulo ng Amerika.
Facebook Comments









