Manila, Philippines – Handa na ang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte At US President Donald Trump para sa 31st Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit sa Nobyembre.
Pero sabi ni ASEAN 2017 National Organizing Council Director General for Operations Marciano Paynor Jr., wala pang eksaktong schedule at agenda para sa nasabing bilateral meeting.
Una rito sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na hindi makakadalo sa East Asia Summit si Trump.
Paliwanag ni Cayateno, aalis din kaagad si Trump pagkagaling nito sa APEC SUMMIT sa Vietnam.
Nanawagan naman si Cayetano na huwag nang lagyan ng kulay ang hindi pagdalo ni Trump sa East Asia Summit na gaganapin sa Clark, Pampanga.
Facebook Comments