Muling pinagtibay nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin ang ugnayan ng dalawang bansa.
Nabatid na ginunita ang ika-45 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Russia.
Ayon sa Office of the President (OP), sinabi ni Pangulong Duterte sa kanilang pag-uusap sa telepono ni Pres. Putin na kailangang palakasin ang kooperasyon.
Partikular aniya sa larangan ng trade and investment, defense, energy, space, at people-to-people exchanges.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng market access ng Philippine products sa Russia.
Aniya, handa ang Pilipinas na mag-export ng produkto mula sa Russia.
Nagpapasalamat din ang Russian Government para sa mainit na pagtanggap sa higit 10,000 Pilipino sa kanilang bansa.
Para naman kay President Putin, ang Pilipinas ay key partner sa Southeast Asia.
Ang Russia ay handang mag-import ng produktong pang-agrikultura sa bansa.