BILIBID DRUG TRADE | Justice Sec. Guevarra at BuCor Chief dela Rosa, nakatakdang magpulong

Manila, Philippines – Magpupulong sa Biyernes sina Justice Sec. Menardo Guevarra at bagong talagang Bureau of Corrections Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Guevarra, kasama sa kanilang pag-uusapan ang magiging diskarte ni Dela Rosa sa BuCor.

Magiging sentro ng trabaho ni Dela Rosa ang marching order ni Sec. Guevarra na wasakin ang makinarya ng drug lords sa New Bilibid Prisons.


Ginawa ni Sec. Guevarra ang direktiba kay Dela Rosa kasunod ng mga ulat na nagpapatuloy pa rin ang drug trade sa Bilibid.

Sa ngayon, mahigpit pa rin ang pagbabantay ng mga tauhan ng PNP-Special Action Force sa NBP dahil patuloy na paggalaw ng high profile inmates ng Bilibid.

Facebook Comments