BILIN | Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, binigyan ng bilin ni Pangulong Duterte na huwag maging kurakot

Manila, Philippines – Tiniyak ni bagong Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nakahanda siyang manungkulan sa DOT.

Ayon kay Puyat, pinili siya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ‘walang bahid’ na korapsyon sa loob ng isang dekadang serbisyo sa Department of Agriculture.

Isusulong ni Puyat ang culinary tourism sa pag-upo niya sa DOT.


Siniguro rin ng bagong kalihim na sisilipin niya lahat ng proyekto at kontrata na dadatnan niya sa DOT.

Si Puyat ay anak ni dating Senador Alberto Romulo at kapatid ni dating Pasig Representative Roman Romulo.

Nagsimula siya sa gobyerno bilang deputy cabinet secretary sa presidential management staff noong Arroyo Administration.

Pero pinakamatagal na nagtrabaho si Puyat sa DA.

Facebook Comments