Umangat ng walong puwesto ang Pilipinas sa global ranking pagdating sa bilis ng fixed broadband internet.
Batay sa report ng internet access performance metrics provider na Ookla Speedtest, ang fixed broadband speed ng bansa ay nasa ika-92 puwesto na nitong Pebrero mula sa 100th spot noong Enero.
Ang average download speed ay sumisipa sa 38.6 megabits per second (Mbps) at 17.51% na mataas ito mula sa 32.73 Mbps noong Enero.
Malayo rin ito sa 7.91 Mbps noong Hulyo 2016.
Bahagya ring bumilis ang mobile internet performance ng Pilipinas na umanga sa ika-83 puwesto nitong Pebrero mula sa 86th spot noong Enero.
Nasa 26.24 Mbps ang average mobile internet speed sa bansa, halos 253% ang itinaas kumpara sa 7.44 Mbps noong Hulyo 2016.
Pagtitiyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nakikipagtulungan sila sa iba pang mga ahensya para mapabilis ang permitting requirements para suportahan ang mga telcos na paghusayin pa ang kanilang serbisyo.