Bumaba na ang COVID-19 reproduction number o bilis ng hawaan ng virus sa Pilipinas.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula sa 1.03 na COVID-19 reproduction number ay nasa 1.2 na lang ito ngayon na may negative 13 percent growth rate.
Sa nagdaang linggo, napansin ng OCTA ang patuloy ang downtrend ng COVID-19 case sa bansa, partikular sa Metro Manila na ngayon ay nasa 0.97 na lang ang reproduction number at may negative 22 percent growth rate.
Mula Setyembre 17 hanggang 23, may average daily case ang Metro Manila sa 4,480 habang ang Average Daily Attack Rate (ADAR) o incidence rate ay nasa 32.08 cases per 100,000 population.
Facebook Comments