Bilis ng hawaan ng Delta variant sa Pilipinas, hindi kayang supilin ng bilis ng pagbabakuna

Hindi kayang tumbasan ng pagbabakuna kontra COVID-19 ang bilis ng hawaan ng virus sa Pilipinas partikular na ang Delta variant.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na masiyadong malakas ang epekto ng Delta variant sa katawan ng isang tao kaya maging ang OCTA ay nahihirapang ipaliwanag ito.

Umaasa naman ang OCTA na aakyat na sa 50% ang bilang ng mga nabakunahan sa bansa upang mapabilis ang pagbaba at pagkontrol sa kaso.


Bukod dito, naniniwala si David na makikita na sa unang linggo ng Setyembre ang resulta ng pagsailalim ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at mapapababa ng kaunti ang mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Iiral ang ECQ sa Metro Manila hanggang sa biyernes, August 20 kung saan inaasahang pagpupulungan na ngayong linggo ng Metro Manila mayors (MMC) ang desisyon kung palalawigin ito.

Facebook Comments