BILISAN ANG PAGDINIG | Dissolution of Marriage, aaprubahan bago mag-holy week break

Manila, Philippines – Natitiyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez na agad maaaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang inihain niyang panukala na “Dissolution of Marriage”.

Ayon kay Alvarez, bago mag-holy week break ang Kamara ngayong Marso ay kailangang maipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang dissolution of marriage.

Inatasan na niya ang komite na dumidinig sa panukala na bilisan na ang pagdinig dito bunsod na rin na marami ng konsultasyon ang ginawa dito sa bansa at sa abroad.


Giit ni Alvarez, hindi pwedeng isantabi ang demand ng publiko na maipasa ang dissolution of marriage.

Karamihan din aniya ng mga sumusuporta sa panukala na ito ay mga OFWs na maraming kaso ng mga hiwalay na mag-asawa.

Sa ilalim din ng panukala ay gagawing simple at madali ang paghihiwalay at pagsasawalang bisa ng kasal ng mga mag-asawa sa mga grounds na irreconcilable differences at chronic unhappiness.

Pero, kasama ang panukala ni Alvarez sa limang panukala na kino-consolidate ng House Committee on Population and Family Relations tungkol sa divorce bill na target namang maaprubahan sa komite sa Marso 8.

Facebook Comments