Bill deposit na sinisingil ng Meralco, ipinaaalis

Manila, Philippines – Ipinaaalis ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Energy Regulatory Commission ang Bill Deposit na sinisingil ng Meralco sa mga consumers.

Giit ni Zarate, ang ibang public utility tulad ng tubig, telepono o kahit cable service ay wala namang sinisingil na Bill Deposit sa publiko.

Sinabi ni Zarate na hindi naman kailangan ng ganitong garantiya sa bayad sa kuryente dahil otomatiko naman ang Meralco na nagpuputol ng linya kapag hindi nakabayad ang consumer at naniningil pa ng reconnection fee.


Nagtataka ang kongresista kung bakit pinapayagan ng ERC ang paniningil ng Bill Deposit ng Meralco.

Hiniling ni Zarate na pigilan na ng ERC ang ganitong paniningil sa kuryente dahil tila ginagatasan at ginugulangan lamang dito ang publiko.

Facebook Comments